Twitter and Facebook navigations

Add me up at Twitter: Soonhaeah and Facebook: Sophia Ingrid Colleen Zamora

Thursday, January 21, 2016

Hello Again!

Hello po ulit. Imagine'nin mo, 364 days na akong hindi nakakadalaw at nakakapagpost dito sa blog ko mula noong huli kong post. At walang nangyari sa New Year's resolution kong makapag post ng kahit isang entry weekly. Pahirapan sa schedule eh. Ngayon ita-try ko ulit yung New Year's resolution na yan hahaha.

Wala lang naman, napadaan lang ako para ibalitang may tuta na dito sa apartment namin. my roommate bought her for 4k and she's worth more than just that. Nakakawala ng stress. Ang pangalan n'ya ay Lilie. S'ya ay mixed breed, labrador at husky. Tinatawag namin s'ya minsan ng Lilie'pot at Lilie'pop(pup/puppy). Marunong na s'yang mag sit at ang kyut kyut n'ya. Tatlong beses na din namin s'yang naging subject sa mga photography class namin. Heheh

Lilie'pop = stress-reliever

Friday, January 23, 2015

Magulo

Matagal tagal na rin nang huli akong makapagpost dito sa blog ko, now that I'm back sana naman matupad ko kahit isa sa mga new year's resolutions ko; ang makapagpost ng kahit once a week dito sa blog ko. :) Happy New Year nga pala sa napapadaan dito sa blog ko, hindi na din ako nakapagpost ng kahit Happy New Year post man lang dito, tsaka sobrang late na din kaya next new year nalang uli, hehe.

Nawala ako ng ilang buwan(almost a year na nga yata) dahil sobrang busy kuno ako sa buhay kolehiyo, documentation shoot dito, requirements dun, at ang walang katapusang research everywhere. Magulo na nga ang study place ko parang eto...


...magulo pa ang buhay ko, hindi ko mawari at parang hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bagong taon na ganito pa rin, wala akong ideya kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay. Nakakatakot isipin na hanggang ngayon wala pa din akong maisip gawin sa buhay ko, lalo na't malapit na akong magtapos ng kolehiyo pero iniisip ko nalang "sus bata pa naman ako, mahaba haba pa ang oras ko para mag-isip ng gusto kong gawin talaga" (pampalubag ba) Pero bahala na muna si Ama, ipag-pi-pray ko nalang muna itong pagiging "lost" ko at baka bukas, sa susunod na araw, sa susunod na week, buwan, o kahit next year pa, malaman ko na kung ano talaga.

Anyway highway, naisulat ko po ito para lang may ma post(wala ka rin namang magagawa kase blog ko 'to, hehe) at nang magkalaman naman ng bagong post itong blog 'kong parang nalipasan na ng panahon. 

Thursday, November 28, 2013

Laguna escapade

Late post but anyway I just like to share my experience from our last gala-gala. I went to Calamba, Laguna along with my roommate. Frist kong makapunta doon kaya medyo starstruck ako, idagdag pa na birthplace yun ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang sarap ng feeling pagbaba ko ng bus. Although hindi na sya katulad ng dating Laguna na nakikita ko sa mga pictures, kahit may mga malls na at maraming mga sasakyan kakaiba pa rin ang ambiance ng lugar. Parang may pagka modernong panahon na may halong probinsyang feeling. Nagpalipas na din ako ng birthday ko doon. First time ko ding mag birthday ng malayo sa pamilya ko pero at least nasiyahan naman ako sa napuntahan ko kaya kontento na ako.



Binisita rin pala namin ang bahay ni Dr. Rizal. He's got an epic house, and cozy too. :)


Sunday, November 24, 2013

Finding time to blog...

Medyo wala nang time mag blog, at kung meron naman tsaka naman walang load ang broadband ko. Hirap ng ganito, malayo sa bahay, malayo na sa pamilya malayo pa sa wifi. Oh well, darating din ang araw na magkakatime din ako at pupunoin ko ng post ang blog na ito. :)

Sunday, April 14, 2013

Welcome back to me. :)

Whoa! Ilang taon na ba ang nakaraan mula ng huli akong napatambay sa blog ko? Hahaha. Tagal na rin ng huli akong sumulat. Oh well, since nandito na naman ako makapost na nga rin lang. :D

Marami ring changes sa akin since my last post. Nagka new phone ulit ako. From straight naging kulot ang buhok ko. Ganap na choir member na ako. Marami pa pero yan lang ang mga pinaka importanteng pagbabago para sa akin. Haha xD

Anyway mag Hi! na lang kayo sa curly hair ko. Wala na akong ibang maisulat. xD

Monday, June 25, 2012

Di lahat magkakapareha

Lahat tayo may kanya kanyang ugali,
may kanya kanyang interes at gusto sa buhay.
Hindi mo pwedeng ipilit sa isang tao ang bagay
na gusto mo lalo na kung hindi naman yun kasama
sa mga bagay na kinagigiliwan niya.

Dala ng pagkakaiba natin hindi maiiwasan ang
'di pagkakaunawaan.
Minsan nahihirapan tayong makisama dahil na rin
sa mga kakaibang personalidad meron ang bawat isa.
Wala naman tayong magagawa kundi ang
piliting makisama.

Dala ng pagkakaiba natin hindi maiiwasan ang
makasakit at masaktan.
Hindi maitatangging madaling manghusga pero mahirap ang mahusgahan.
Madaling magbitaw ng hindi magagandang salita
laban sa iba pero mahirap makarinig ng mga
hindi magagandang salitang ibinabato sayo.


Hindi naman lahat ng tao magkakapareha.
Kaya madalas dapat nating gamitin ang ating isip.
Hindi naman kasi lahat naaayos sa init ng ulo.
Kailangan mo lang kumalma at magpasensya. :)

Saturday, March 3, 2012

Salamat

Magandang hapon mga blogista! :)
Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa 10k fun run kahapon. Halos tatlong oras rin akong nagtatatakbo at naglalalakad. Hindi na ako nakapagsimba kaninang umaga dahil halos hindi na ako makabangon sa sobrang sakit. Nakakapagod pero enjoy pala sumali sa fun run. Anyway, hindi naman talaga tungkol sa fun run experience ko ang post na ito. Gusto ko lang sanang magsulat ng pasasalamat sa mga taong dapat kong pasalamatan. Ang aking mga magulang, ang aking mga tunay na kaibigan, ang mga blogistang napapadaan dito sa blog ko, at si God. (Bigla ko nalang naisip isulat ito, may pagka random ako eh.)

Para sa mga magulang ko. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit matigas ang ulo ko at mahirap akong pasunurin, nandyan pa rin sila para suportahan ako sa anumang gusto kong gawin sa buhay. Nagpapasalamat rin ako sa atensyon, pag-aalaga at pagmamahal na binibigay nila sa akin.
Para sa aking mga tunay na kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga tunay kong kaibigan dahil kahit corny akong mag-joke, sablay ang mga hirit ko, Anime at Kpop nalang ang lumalabas sa bibig ko, at kahit hindi ako ganun ka cool, nandyan pa rin kayo para pakisamahan ang makulit at maingay na katulad ko. Gusto ko ring malaman niyo na kahit masyadong abala ako sa school hindi ko pa rin kayo kinalimutan. Namimis ko kayo at ang mga trip natin.
Para sa mga blogistang napapadaan dito. Maraming salamat sa pagbasa niyo sa mga walang kwenta kong post. Masaya ako na kahit hindi naman kagandahan ang mga isinusulat ko eh napapagtiyagaan niyo pa ring basahin. Natutuwa ako sa mga nag-iwan ng comments. Gusto ko ring malaman niyo na ang mga sinisulat niyo ang isa sa mga naging inspirasyon ko para lalo pang matutong magsulat. Huwag sana kayong magsawa sa kabibisita dito sa munti kong blog.
Para kay God. Nagpapasalamat ako kay God dahil sa mga taong nagpapasaya sa akin. Ang aking mga magulang, mga kaibigan at mga blogistang napapadaan dito. Kundi dahil sa Kanya wala ang mga taong ito sa buhay ko, at kung hindi dahil sa Kanya hindi sana ako masaya ngayon. :)