Twitter and Facebook navigations

Add me up at Twitter: Soonhaeah and Facebook: Sophia Ingrid Colleen Zamora

Thursday, January 19, 2012

Introduction

Hi! Marahil nagtataka kayo kung bakit sa tinagal-tagal(mga 2009 yata . XD) ko na dito sa "BLOGGING WORLD" eh kaunti pa lang ang mganaipopost ko. Yun ay dahil sa busy ako sa pag-aaral ko at minsan tinatamad ako. Kaya rin kakaunti pa ang mga posts ko nang dahil sa katamaran ko. Kapag nakakaisip ako ng maisusulat pinangungunahan ako ng pagkatamad kaya ayon, halos walang posts itong blog ko.

Anyway
, magpapakila nga pala ako muntik ko nang makalimutan. Ako nga pala si Sophia Ingrid Colleen Zamora, Zam for short. Labing walong taong gulang, ipinanganak noong ika-10 ng Nobyembre taong 1993 sa Syudad ng Davao. Panganay ako sa tatlong magkakapatid na babae. Nasa unang taon na sa kolehiyo sa kursong AB Mass Communication, kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Davao University. Mahilig ako sa Anime at KPOP, mahilig rin akong magbasa. Mahilig akong manood ng movies at ng Korenovela. Number one fan ako ni Harry Potter. Mahilig rin akong magsulat, hindi nga lang kagalingan. Kaya ako gumawa ng blog para mas lalo akong mahasa sa pagsusulat. Gusto ko kasing maging magaling na Journalist balang araw pagkatapos ko sa kolehiyo.

Weirdo daw ako sabi ng kapatid ko kahit sa tingin ko hindi naman. Ewan ko dun kung bakit palagi na lang pinagdidiskitahan ang pagka-addict ko sa KPOP at Anime. Dun ako masaya kaya bahala s'ya sa buhay n'ya.(heheh!) Fun to be with rin daw ako sabi ng mga kaibigan at mga kaklase ko. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Hindi ko ugaling isiksik ang sarili ko sa ibang taong ayaw naman sa akin, wala akong panahong makpagplastikan. Totoong tao ako at higit sa lahat hindi ako sinungaling. Naiinis ako sa mga taong sinungaling.

Yun lang ang masasabi ko tungkol sa sarili ko. Mahaba-haba na rin kaya yan na muna. XD

No comments:

Post a Comment