Twitter and Facebook navigations

Add me up at Twitter: Soonhaeah and Facebook: Sophia Ingrid Colleen Zamora

Wednesday, February 22, 2012

Nakakapagod pala

Magandang gabi mga mambabasa(kung meron uli)! :D

Parang feeling ko(feeling lang ha) ang haggard haggard ko nang tingnan. Ilang araw na rin kasi akong nagpapaka-studious eh. Nagpapabaya na rin kasi ako lately sa studies ko. Na realized ko na "Oo nga pala, nagpapakapagod magtrabaho ang mga magulang ko para mapag-aral ako sa kolehiyo". Naaawa na rin ako sa magiging future ko kung patuloy akong magpapabaya. Kaya imbes na magbasa ng kung anu anong fiction books tinitiis ko na lang basahin ang nakaka-epistaxis na Psychology, Biology at Literature, kasama ang dictionary ko. Dinodoble ko na ang pag-aaral ko.(Sana naman dumoble rin allowance ko. Hehehe! Loko lang.)

Ang hirap pala magpaka-studious ano? Tsaka ang dami rin pala ng mga lesson na kailangan kong pag-aralan araw-araw. Nakaka-pressure. Thanks to Ginko Biloba. Tumalas memory ko. hahaha! :D

Ma iba nga. Seryoso na 'to.
Kaya ko rin pinagbubutihan ang pag-aaral ko dahil may nais akong patunayan. Hindi ko na ipagsasabi kung ano yun. Basta yun na yun.

Oh sya. Magsasayang uli ako ng tissue. Iiwanan ko muna pansamantala ang Anime at Kpop. Kailangan ko munang magpaka studious. :)

2 comments:

  1. Wow, good luck on your studies! :) magandang motivation yang may like ka patunayan.

    ReplyDelete
  2. Wow, good luck on your studies! :) magandang motivation yang may like ka patunayan.

    ReplyDelete