Twitter and Facebook navigations

Add me up at Twitter: Soonhaeah and Facebook: Sophia Ingrid Colleen Zamora

Saturday, February 11, 2012

Pag-ibig

Author's note: Ngayong nalalapit na Valentines, naisipan kong magsulat ng kwentong talaga namang angkop para sa okasyong ito. Hindi ito hango sa tunay na buhay ngunit sigurado akong makakapulot kayo ng aral mula dito. Gawa po ng hindi propesyunal na manunulat ngunit nakakapagsulat. Sana magustuhan niyo.

***

Love. Ano ba talaga and pinaka spesipikong depinisyon ng apat na letrang salitang yan?
Well, kung i-go-google mo, ayon sa wikipedia: "Love is an emotion of strong affection and personal attachment. Love is also a virtue representing all of human kindness, compassion, and affection; and "the unselfish loyal and benevolent concern for the good of another". Love may also be described as actions towards others(or oneself) based on compassion, or as actions towards others based on affection."

Gets n'yo na? Ako? ewan! Yon na yon. Nosebleed tuloy ako. Hahaha! Basta't ang alam ko naranasan ko na yan. Dyan ko rin naranasan ang masaktan, sumaya, maging martir, at magmukhang tanga. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga experience na yun. Doon ako natutong maging mas matatag at mapagtiis.

Noong naranasan ko ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay pag-ibig ko ipinangako ko na na hinding hindi na ako magmamahal ulit. Hinding hindi na ako aasa na may magpapahalaga at magmamahal pa sa isang tulad ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palagi nalang ako ang sinasaktan. Naiisip ko tuloy na hindi talaga ako maganda tulad ng sinabi ng nanay ko. Pero kung iisipin, hindi naman mahalaga ang panlabas na anyo kapag nagmahal ka diba? hindi kailangang maganda ka para may magmahal sa'yo. Hindi kailangang matalino at mayaman ka bago ka makatagpo ng magmamahal sa'yo. Kung talagang mahal ka ng isang tao tatanggapin ka niya kung ano ka pa. Tatanggapin niya lahat ng ano at meron ka. Hindi nagsasawa ang pag-ibig. Kung nabigo ka man dahil niloko ka, sa halip na magalit at magmukmok, maging masaya ka. Magpasalamat ka dahil nalaman mo ng maaga na hindi pala siya ang taong para sa'yo. Na may makikilala ka pang mas higit pa sa kanya. Sabi nga sa kanta ni Yeng Constantino, "Ang pag-ibig, hindi parang cellphone 'pag naluma, papalitan. Ang pag-big, hindi parang damit 'pag may bagong uso, papalitan. Ang pag-ibig, hindi parang pagkain 'pag pinagsawaan, pamimigay nalang. Ang pag-ibig, hindi parang pusa 'pag maingay, ililigaw nalang"

Kailan mo malalaman kung siya na ang taong para sa'yo? Malalaman mo kung siya yung taong pahahalagan ka at igagalang hindi lang ikaw kundi pati na ang pamilya mo. Yung taong hinding hindi magsasawa kahit palagi ka niyang nakikita. Yung taong kayang lunukin ang pride para lang sa'yo. Yung tipong kapag nalayo sa'yo, gagawa ng paraan makita o kahit makausap ka man lang. Yung taong magpaparamdam sa'yo na maganda ang buhay. Yung taong mas lalo kang namimis at minamahal kahit wala ka. At yung taong kayang suklian kahit sobra pa ang pagmamahal na kaya mong ibigay.

Mapagparaya, mapag-unawa, mapagtiis ang pag-ibig, at napatunayan ko yon.

***

Hindi naman siguro masama kung magdemand ako ng kahit kaunting oras galing sa boyfriend ko. Pero bakit ganon? Nagalit siya ng sabihin ko sa kanyang gusto ko siyang makasama kahit sa lunch break lang. Masyado daw siyang abala sa OJT niya at nakakaistorbo na daw ako. Nagulat naman ako at natakot ng sinabi na yon. Mahal ko ang boyfriend ko at mag tatatlong taon na kami. Ilang buwan na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nasasaktan ako kasi alam ko na hindi maganda ang kahahantungan nito. Nalalapit na ang 3rd Anniversary namin pero parang wala lang sa kanya. Ganito ba talaga kapag matagal na kayong magkasama? Nagkakasawaan na? Pero ako hinding hindi ako magsasawa sa kanya. Martir na kung martir. Mahal ko nga siya diba? Mahirap bang intindihin yon?

"Alam mo Jane, sumosobra na yang Aldren na yan eh! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na iwanan mo na yan! Pinaglalaruan ka lang niyan eh! Hindi mo ba nakikita?"
"Hindi naman siya ganon Jake. Busy lang siya kaya wala siyang panahon para sa akin."
"Ikaw na ang may sabi. Wala siyang panahon para sayo. Ano na? Hahayaan mo na lang bang ganon na lang?"
"Busy nga siya diba. Hayaan mo na."
"Sira na talaga yang ulo mo eh. Palagi niya na lang dinadahilan yan. Paano kung may--"
"Tama na nga! Tama na please! Pinapasakit mo lang ang ulo ko eh."
"Bahala ka. Makaalis na nga."
"Hoy! Jake! 'San pupunta?"
"Uuwi na. Wala kang kwentang kausap."

Galit na tuloy ang bestfriend ko. Hindi ko rin naman siya masisisi. Nag-aalala lang siya para sa akin. Alam ko yon dahil matagal-tagal na rin kaming magkaibigan. Pero hindi ko kayang isipin na may iba na si Aldren. Hindi niya magagawa sa akin yon. Magtatatlong taon na nga kami ngayon pa siya magloloko. Pero aminin ko man o hindi, nakahanda na 'ko kung totoo man yon. Ang pinaghahandaan ko na lang ay kung gaano ka tagal ko planong umiyak kapag nangyari yon.

***

Hindi nagtagal nasanay rin akong hindi kasama si Aldren. Nang malaman kong totoo talagang may iba na siyang girlfriend ang sakit sakit pala. Sobrang sakit na parang gusto ko nang magpahinga sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Na parang gusto kong matulog at huwag ng magising pa. Ilang araw rin akong umiyak at nagmukmok. Naubos ko yata ang luha ko sa kakaiyak sa wala namang ka kwenta kwentang bagay. Pero bakit ganon? Pilit kong sinisiksik sa utak ko na walang kwenta kung iiyakan ko pa ang taong wala namang kwenta para paglaanan pa ng pagmamahal at luha. Sa mga araw na iyon ng buhay ko ang mga kaibigan ko na lang ang kasama ko. Ang bestfriend ko. Ang sakit sakit na parang pilitin ko mang maging masaya, hindi ko kaya.

Ilang araw ang lumipas parang nagsawa na rin siguro ako sa kakaiyak. Pero kahit anong gawin ko hindi ko mapigilan ang pagluha. Yung mga panahon na yon na hindi ko na mawari kung galit ba o panghihinayang ang nararamdaman ko kaya ako napapaiyak. Ang bestfriend ko. Si Jake. Siya na lang ang natitirang kaibigan ko na kayang tiisin ang mga oras na titigan akong umiiyak. Siya nalang ang taong nasa tabi ko kapag kailangan ko ng kausap. Nahihiya na tuloy ako kasi sa dinami dami ng pwedeng pag-usapan wala akong ibang bukam bibig kundi si Aldren. Si Aldred. At si Aldren. Nakakainis. pero mahal ko pa rin siya.

"Tama na yan Jane. Sinasayang mo lang ang bakasyon mo."

Paulit ulit niyang sinasabi sa akin ngunit pa ulit ulit ko rin namang hindi sinasagot. Gusto ko lang umiyak hanggang sa wala na akong luhang maiiyak.

***

To be continued...

No comments:

Post a Comment