Twitter and Facebook navigations

Add me up at Twitter: Soonhaeah and Facebook: Sophia Ingrid Colleen Zamora

Saturday, March 3, 2012

Salamat

Magandang hapon mga blogista! :)
Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa 10k fun run kahapon. Halos tatlong oras rin akong nagtatatakbo at naglalalakad. Hindi na ako nakapagsimba kaninang umaga dahil halos hindi na ako makabangon sa sobrang sakit. Nakakapagod pero enjoy pala sumali sa fun run. Anyway, hindi naman talaga tungkol sa fun run experience ko ang post na ito. Gusto ko lang sanang magsulat ng pasasalamat sa mga taong dapat kong pasalamatan. Ang aking mga magulang, ang aking mga tunay na kaibigan, ang mga blogistang napapadaan dito sa blog ko, at si God. (Bigla ko nalang naisip isulat ito, may pagka random ako eh.)

Para sa mga magulang ko. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit matigas ang ulo ko at mahirap akong pasunurin, nandyan pa rin sila para suportahan ako sa anumang gusto kong gawin sa buhay. Nagpapasalamat rin ako sa atensyon, pag-aalaga at pagmamahal na binibigay nila sa akin.
Para sa aking mga tunay na kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga tunay kong kaibigan dahil kahit corny akong mag-joke, sablay ang mga hirit ko, Anime at Kpop nalang ang lumalabas sa bibig ko, at kahit hindi ako ganun ka cool, nandyan pa rin kayo para pakisamahan ang makulit at maingay na katulad ko. Gusto ko ring malaman niyo na kahit masyadong abala ako sa school hindi ko pa rin kayo kinalimutan. Namimis ko kayo at ang mga trip natin.
Para sa mga blogistang napapadaan dito. Maraming salamat sa pagbasa niyo sa mga walang kwenta kong post. Masaya ako na kahit hindi naman kagandahan ang mga isinusulat ko eh napapagtiyagaan niyo pa ring basahin. Natutuwa ako sa mga nag-iwan ng comments. Gusto ko ring malaman niyo na ang mga sinisulat niyo ang isa sa mga naging inspirasyon ko para lalo pang matutong magsulat. Huwag sana kayong magsawa sa kabibisita dito sa munti kong blog.
Para kay God. Nagpapasalamat ako kay God dahil sa mga taong nagpapasaya sa akin. Ang aking mga magulang, mga kaibigan at mga blogistang napapadaan dito. Kundi dahil sa Kanya wala ang mga taong ito sa buhay ko, at kung hindi dahil sa Kanya hindi sana ako masaya ngayon. :)

5 comments: