Twitter and Facebook navigations

Add me up at Twitter: Soonhaeah and Facebook: Sophia Ingrid Colleen Zamora

Monday, February 27, 2012

Wala lang, Gusto ko lang magkwento

Magandang gabi mga blogista! Gusto ko lang magkwento tungkol sa araw ko. Pasensya lang naman, wala kasi akong kakwentuhan dito sa bahay. Masyadong masungit si Malditang Ewan. Ayaw makipag chikahan. Kaya dito na lamang ako magkwekwento sa blog ko.

Napakaganda ng araw ko ngayon. Bakit? Kasi ganito yun...

Late ako kanina sa Psychology class namin, saktong sakto quiz nga pala. Habang papuntang school gusto ko nang maiyak sa inis dahil parang hindi ko na maaabutan ang quiz. Sayang naman kasi ang pinaghirapan ko. Ilang araw rin akong nagpuyat para lang masaulo ang lesson na yun para sa quiz. Masasayang lang ang pagod ko kapag hindi talaga ako makakaabot.

Lalo pa akong nainis dahil sa heavy traffic. Parang gusto ko tuloy bumaba ng jeep at takbuhin na lang ang natitirang distansya para makarating sa school. 10 minutes na, 5 minutes na lang late na talaga ako. Hindi ko na lang pinansin ang relo ko kasi sa tuwing tinitignan ko ang oras parang lalong bumibilis ang pagtakbo nito. Talagang ma-la-late lang ako. Nang sa wakas ay makarating ako sa school. Pagtingin ko sa elevator, sobrang haba ng pila kaya nag stairs na lang ako. Malapit lang naman, para 4th floor lang. Minadali ko talaga. Tigdadalwa ang hakbang ko sa hagdanan para makarating agad sa classroom. Hanggang sa wakas nasa pintuan na ako ng classroom. Sinilip ko muna, at nagki-quiz na nga sila kaya pumasok na ako. Pagpasok ko nasa 10 items na ang nasagot ng mga classmates ko. Humabol na lang ako sa 11 kaysa wala. Better late than never diba?

Nagkandaugaga na ako sa kakahanap ng ballpen ko at kakatupi ng yellow paper. Hindi ko na nga pinansin ang handwriting ko. Tsaka shinortcut ko na rin ang pangalan ko. Ganon pa rin naman may "Zamora".

11 items lang ang nasagutan ko kaya nakaramdam ako ng panghihinayang, buti na lang may classmate kaming late din, naglakas-loob talaga siyang sabihing, "Excuse me Miss. Pwede po pakiulit ang questions number 1-10?". At buti na lang rin mabait ang teacher namin. Inulit niya, may pagkamabilis nga lang ng pagbasa. Hindi na nga ako nakaabot ng 8-10 ng dahil sa langyang fundamental attribution error na yan, natagalan ako. Mabagal rin kasi akong magsulat.

Ito ang ebidensya ng matagumpay kong quiz. At least may 15 points. Late pa ako nyan oh. Hahahaha! Thank God talaga.
Simbolo ng February 27, 2012 ko.
At anyway, hindi ganyan ka dumi ang handwriting ko. Hahaha! Nagpanic na kasi ako nun kaya ganyan.
Ayun! Kaya maganda ang araw ko. Hahaha! Goodnight bloggers! Kailangan matulog ng maaga. Mag-iipon ako ng maraming energy para bukas. May Grand Evangelical Mission kasi ang church(Iglesia ni Cristo) namin. At dadalo ako. Jah!~

Sunday, February 26, 2012

Photography

from google.com
Gusto ko talaga matuto ng Photography. As in! Kaso poor kami kaya cannot afford ang DSLR. Kaya compact camera na lang muna. Kasi naman eh. Feeling ko mas matututo ako kapag DSLR. Anyway, sabi nga ng karamihan Patience is a virtue. Wala rin naman akong ibang magagawa kundi ang maghintay. Hehehe!

Saturday, February 25, 2012

Nakakabagot na ang saturdays at sundays

Sabado at Linggo. Dati rati gustong gusto kong naririnig ang mga araw na yan. Pero ngayon napansin ko--simula ng magkolehiyo ako--parang 'di ko na feel ang saturdays and sundays ko. NAKAKABAGOT. Parang mas gusto ko pang pumasok sa school kaysa tumambay sa bahay. Parang ayoko na rin mag summer. Buti na lang may pasok rin ako nyan.

Enjoy naman dati ang saturdays at sundays ko, kaso ngayon naubusan ako ng librong babasahin at koreanovelang papanoorin. Ubos na rin pati Anime DVDs ko, kailangan ko na naman bumili uli ng bago. Di ko na rin pwedeng basahin Otaku magazines ko, ilang ulit ko na kasing nabasa ang mga yun. Tsaka maiinis lang si Malditang Ewan sa akin kung manonood na naman ako ng Harry Potter movies. Nakakasawang makipag away kaya iiwasan ko nalang.

Ano ba magandang gawin kapag walang pasok? Nakakasawa na rin kasi mag facebook ng buong araw eh. Nababadtrip lang ako sa Tetris, nauubos stars ko. Kainis! Kung ayaw ko naman mag Tetris wala na akong ibang gagawin kundi maghintay ng notifications--mas nakakabagot yun! Lalong ayokong mag Farmville, nakakapagod mag harvest. Harvest na lang ng harvest. Ayoko ko rin mag Petville, parang ewan kasi. Basta ayokong maglaro ng kahit anu anong ville meron sa facebook. Dagdag noifications lang. Nakakapagod kaya mag delete ng emails dahil sa dami ng notifications.

Eto na naman ako, isa na namang nakakabagot na araw ang nagdaan sa buhay ko. Bukas rin--pagtitiisan ko nalang. Naku naman! Sana everyday na lang may pasok. Mas ok yun! Hahaha!

Friday, February 24, 2012

Nagmumura kapag galit

Magmura. Ito ang unang salitang sumasagi sa isip ko tuwing nagagalit ako. Aminin mo man o hindi, yan ang kadalasang nagagawa mo kapag naiinis o nagagalit ka. Ako, Oo, aminado naman ako. Napapamura ako kapag naiinis ako, hindi dahil gusto ko kundi dahil wala akong ibang choice lalong lalo na kapag GALIT NA GALIT ako.

High school ako ng matuto akong magmura. Dala na rin ng impluwensya ng mga kaklase at schoolmates. Napapadalas nga noon kahit wala namang matinding dahilan para magmura. Nang mag college ako dahan dahan na ring nawala sa sistema ko ang random na pagmumura. Mabuti na lang.

Pero sa mga sitwasyong galit ako nagmumura talaga ako. Walang makapipigil sa akin. Paraan na rin para malabas ko ang sama ng loob at galit ko. Wala akong pakialam kahit may makarinig. Wala akong pakialam kahit husgahan nila ako. Iniisip ko nalang, hindi nila ako lubusang kilala kaya wala silang karapatan para husgahan agad ako. Ako ang may hawak ng buhay ko kaya ako ang mas nakakakilala sa sarili ko.

Walang pakialamanan. Ganito ako maglabas ng galit. Iba iba tayo kaya walang husgahan.

Galit ako!

Lanlalamig ang mga kamay ko.
Nararamdaman ko ang unti unting pag-init ng aking mukha.
Hindi maganda ang pakiramdam ko,
nawawalan ako ng gana.

Naiinis rin ako sa sarili ko!
Inis na inis ako sa sarili ko.
Ginagawa ko naman ang lahat,
pero parang kulang pa rin.

Alam ko namang mali ako pero hindi naman
kailangang ipangalandakan pa sa lahat
ang pagkakamali ko.
Gusto mo ba talaga kaming matuto? o pinahihiya mo lang kami?!

Pang-asar ka. Sinira mo ang pag-asa ko.
Ayaw ko ng mga asungot sa buhay ko.
Nasisira ang kagustuhan kong mag-aral.
Galit ako. Galit ako sayo!

Wednesday, February 22, 2012

Nakakapagod pala

Magandang gabi mga mambabasa(kung meron uli)! :D

Parang feeling ko(feeling lang ha) ang haggard haggard ko nang tingnan. Ilang araw na rin kasi akong nagpapaka-studious eh. Nagpapabaya na rin kasi ako lately sa studies ko. Na realized ko na "Oo nga pala, nagpapakapagod magtrabaho ang mga magulang ko para mapag-aral ako sa kolehiyo". Naaawa na rin ako sa magiging future ko kung patuloy akong magpapabaya. Kaya imbes na magbasa ng kung anu anong fiction books tinitiis ko na lang basahin ang nakaka-epistaxis na Psychology, Biology at Literature, kasama ang dictionary ko. Dinodoble ko na ang pag-aaral ko.(Sana naman dumoble rin allowance ko. Hehehe! Loko lang.)

Ang hirap pala magpaka-studious ano? Tsaka ang dami rin pala ng mga lesson na kailangan kong pag-aralan araw-araw. Nakaka-pressure. Thanks to Ginko Biloba. Tumalas memory ko. hahaha! :D

Ma iba nga. Seryoso na 'to.
Kaya ko rin pinagbubutihan ang pag-aaral ko dahil may nais akong patunayan. Hindi ko na ipagsasabi kung ano yun. Basta yun na yun.

Oh sya. Magsasayang uli ako ng tissue. Iiwanan ko muna pansamantala ang Anime at Kpop. Kailangan ko munang magpaka studious. :)

Tuesday, February 21, 2012

Malditang ewan

May isang tao sa buhay kong kahit anong pilit kong magpakasaya nandyan siya para pilit akong pigilang maging masaya. At minsan nakakainis na. Para bang ako na lang lagi ang pinagbubuntunan niya ng galit? Ako na lang laging sinisisi. Ako lagi may kasalanan kapag nababadtrip siya. Eh kung tutuusin wala naman akong ginagawang masama. Para bang ginagawa niya akong outlet para ilabas ang sama ng loob niya? Tingin niya yata sa akin taksyapo wall noong batuhin niya ako sa mukha ng basahan. Kulang nalang pagbabatuhin niya ako ng baso, plato, platito, o kung ano anu pang bagay na pwedeng ibato. Aba! eh kung kung ganon rin lang naman eh di sana nagsabi siya agad nang hindi na ako nag-abala pang makipagkaibigan sa kanya noong una kaming magkita. Daig ko pa si Miss Friendly non. Ilang buwan lang ang tanda ko sa kanya kaya ako ang mas nakakatanda sa aming dalawa. Pero, parang wala naman akong natatanggap kahit kaunting respeto mula sa kanya. Bruha talaga!

Nang minsan napatanong ako sa kanya. Imbes na sagutin ng maayos ang tanong ko, pagdilatan ba naman ako ng mata? Pwede namang sabihin niyang hindi niya alam ang sagot. Bakit kailangang ipakita pa nang bonggang bongga ang pagka disgusto niya sa akin.

Araw-araw ko siyang kasama kaya immune na ako sa rudeness niya. Ayaw ko sa lahat yung kinukuha ang mga gamit ko ng hindi nagpapaalam. May isang pagkakataong napaaway ako sa kanya ng galawin niya ang pinakainiingatan kong libro. At sa librong pinag-awayan namin nauwi sa beauty ang issue ng sinigaw niya ng pagkalakas lakas:
"Alam mo, kaya wala kang boyfriend o kaya manliligaw man lang... Ang pangit pangit mo kasi!"
Pinamukha niya talaga sa aking pangit ako. Kebers ko ba kung pangit ako? Basta ang mahalag masaya ako. Po. Wala akong pakialam kung maganda siya at pangit ako. Tanggap ko naman yon. Mas mabuti na yon kaysa naman maging kasing pangit ng ugali niya ang ugali ko.

Ipagdadasal ko pa rin ang bruhang ito sa kabila ng ka malditahang pinapakita niya sa akin. Baka hindi magtagal sasagutin rin ang Diyos ang panalangin ko. Ipagdadasal kong lumabas na sa katawan niya ang masasamang espiritong sumapi sa kanya.

Siguro nagtataka ka kung sino siya? Itatago ko na lang siya sa pangalang "Malditang Ewan".

Monday, February 20, 2012

Pa sipa nga. Kahit isang beses lang oh!

"Isang nakakainis na gabi mga mambabasa(Kung meron man. *sigh*)!"

Yung pakiramdam na naririnig niyo ang pinaka ayaw niyong marinig na kanta o kaya tunog? Di ba nakakairita?!

Muntik ko nang masipa sa inis ang kapatid ko. Ang ingay niya kasi. Ewan ko kung anong masasamang espirito ang pumasok sa kanya at ang ingay ingay niya. Tumutugtog siya ng piano. Parang hindi naman dapat tugtog ang tawag dun eh. Pang-asar talaga. Kung ano anong ramdom keys ang pinagpipipindot with all the fast tempo at todo ng volume. Ginugulo niya ang pag-iisip ko tungkol sa isusulat ko dito sa blog.

Sisipain ko na sana siya ng biglang tawagin siya ni papa. Sayang!(hahaha!)

Friday, February 17, 2012

Hanghinet!!

Sa sobrang init ng panahon balak ko na sanang magbabad sa tubig nang biglang dumating galing mag-grocery ang mama ko. May dala siyang ice cream kaya natuwa ako. Ang init kaya! Buti nalang may ice cream. Pampalamig ng ulo.


Bago ko nilantakan, pinicturan ko muna. Kahit yung labas lang. Hahaha! :D

Wala lang


Friday ng hapon ng matapos ang klase namin. Hinihintay ko ang kaklase kong lumabas ng Computer lab kasama ang isa ko pang kaklase. Wala akong magawa kaya ng picture taking nalang ako. Hehehe! XD

Naiinis ako

Naiinis ako sa mga taong tapon ng tapon
ng mga basura nila kahit saan.

Naiinis ako sa mga taong ang titigas ng mga
ulo na kahit pinagbawalan na, namumutol
pa rin ng mga puno.

Kung hindi siguro ng dahil sa kanila di sana
ganito kainit at kaalinsangan ang panahon
natin ngayon.

At kung hindi dahil sa kanila di sana ako
naiinis ngayon!

Nakakainis. Grrr!

Fun day with my Girlfriends


(Jofaye, Biena Lou, Evangeline and Nneka)

Thursday, February 16, 2012

How I hate the timid me

Every time I am asked by my teachers to recite in front of the whole class, it takes me back to a certain event in my life. It happened when I was still in grade school. I can't remember exactly when but the happenings were still vivid in my mind.

It was when we were asked by our English teacher to write a short paragraph in 20 minutes about our "Greatest fear" and how will we overcome it. I can still remember how happy I was while writing and when I finished my paragraph, stating "kittens" as my "Greatest fear" on it. I was very pleased and satisfied about what I wrote. We were asked again to do another activity, but this time we will synthesize our paragraphs, then our teacher said that we will recite the paragraph that we wrote. Reciting in front of the class is really not my thing. I don't know why but I'm really not into it. We were 35 pupils in our class, and each of us were called alphabetically, so I really had a sort of long time feeling anxious and nervous since my last name starts with "Z". Because of my extreme nervousness(I can still remember it when)I wished that my last name starts with an "A". My knees were trembling, I felt my hands' cold, and my eyes were watery. Then finally it was my turn. I walk cautiously while my knees were trembling but I did my best to not make obvious. When I got to the front I really tried to calm myself but it wasn't working, then my teacher said "start", I can hardly speak. My voice made my trembling obvious. Then I can't recall when I stopped. All I knew was I already burst out crying. I tried my best again to stop my tears but it was unstoppable. I can't stop crying so my teacher just asked me to go back to my seat. My classmates thought that maybe I got too emotional while sharing my "Greatest fear". The truth is, I cried because I was too much nervous and I thought that I will feel better after crying, but it was the opposite. I was disappointed to myself because instead of finishing my paragraph I ended up crying. That was really embarrassing. I should've wrote "Stage fright" as my greatest fear.

When I entered high school I still have the jitters every time I'm called to recite. Until now that I'm in college. But I don't cry anymore unlike back then when I as in grade school. I'm really trying my best to get rid of it. I encourage and calm myself every time we have recitals but when I get in front of the class all my self-encouragement washed away. Then I stutter.

I really hate the timid me. It's depressingly irritating. I know that I should get rid of it but I don't know how. I should get rid of it, but not now. I'm not ready yet.

Pag-ibig part 2

Author's note: Tapos na ang Valentine's Day, pero pwede pa namang ihabol diba? May sikat nga na kasabihan "Huli man daw at magaling, naihahabol din." hahaha! :D

***

Ilang araw na naman ang dumaan, andito pa rin si Jake. Hinihintay na baka maya maya matauhan ako. Nalalapit na rin ang pasukan. Pero eto pa rin ako. Nagmumukmok.

"Jane, hindi ka pa ba napapagod? Parang ikaw lang naman ang nagkakaganyan sa nangyari sa inyo ni Aldren eh. Sinasayang mo lang talaga ang oras mo. Parang unfair naman yata kung iiyakan mo pa siya. Masakit pakinggan pero sasabihin ko, WALA NA SIYANG PAKIALAM SAYO."

Ouch naman. Ang sakit nun ah. Sabagay, totoo naman. Unfair talaga. Alam ko naman yon kaya nga ako naiinis sa sarili ko.

***

I-iiyak jo pa rin 'to. Ang tigas talaga ng ulo ko. Siguro iniisip ni Jake na ang tigas talaga ng ulo ko. Pero di bale na. Kailangan kong gawin 'to for the last time. Para makapag move on na ako. Itititgil ko na ang kahibangang ito. Mag-e-enjoy ako pagkatapos nito, na parang walang nagyari. Magsisimula ulit ako ng panibago. Kakalimutan ko na ang lahat ng nangyari.

***

Nakapag move on na ako. Ilang taon na rin ang nakalipas ng mangyari ang mga bagay na yon sa buhay ko. Hindi ka na nakita pa si Aldren pero kung saka-sakaling magkita man kami, ok na ako. Hindi ko na kailangang umiwas pa. Masaya na ang buhay ko kasama ang totoong nagmamahal sa akin. Si Jake, ang bestfriend ko. Nalalapit na ang Valentine's Day. Single pa rin kami ng bestfriend ko kaya kami na lang dalawa ang mag-d-date. Ika nga ni Yeng: "Ok lang maging single sa Valentines."

Saturday, February 11, 2012

Pag-ibig

Author's note: Ngayong nalalapit na Valentines, naisipan kong magsulat ng kwentong talaga namang angkop para sa okasyong ito. Hindi ito hango sa tunay na buhay ngunit sigurado akong makakapulot kayo ng aral mula dito. Gawa po ng hindi propesyunal na manunulat ngunit nakakapagsulat. Sana magustuhan niyo.

***

Love. Ano ba talaga and pinaka spesipikong depinisyon ng apat na letrang salitang yan?
Well, kung i-go-google mo, ayon sa wikipedia: "Love is an emotion of strong affection and personal attachment. Love is also a virtue representing all of human kindness, compassion, and affection; and "the unselfish loyal and benevolent concern for the good of another". Love may also be described as actions towards others(or oneself) based on compassion, or as actions towards others based on affection."

Gets n'yo na? Ako? ewan! Yon na yon. Nosebleed tuloy ako. Hahaha! Basta't ang alam ko naranasan ko na yan. Dyan ko rin naranasan ang masaktan, sumaya, maging martir, at magmukhang tanga. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga experience na yun. Doon ako natutong maging mas matatag at mapagtiis.

Noong naranasan ko ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay pag-ibig ko ipinangako ko na na hinding hindi na ako magmamahal ulit. Hinding hindi na ako aasa na may magpapahalaga at magmamahal pa sa isang tulad ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palagi nalang ako ang sinasaktan. Naiisip ko tuloy na hindi talaga ako maganda tulad ng sinabi ng nanay ko. Pero kung iisipin, hindi naman mahalaga ang panlabas na anyo kapag nagmahal ka diba? hindi kailangang maganda ka para may magmahal sa'yo. Hindi kailangang matalino at mayaman ka bago ka makatagpo ng magmamahal sa'yo. Kung talagang mahal ka ng isang tao tatanggapin ka niya kung ano ka pa. Tatanggapin niya lahat ng ano at meron ka. Hindi nagsasawa ang pag-ibig. Kung nabigo ka man dahil niloko ka, sa halip na magalit at magmukmok, maging masaya ka. Magpasalamat ka dahil nalaman mo ng maaga na hindi pala siya ang taong para sa'yo. Na may makikilala ka pang mas higit pa sa kanya. Sabi nga sa kanta ni Yeng Constantino, "Ang pag-ibig, hindi parang cellphone 'pag naluma, papalitan. Ang pag-big, hindi parang damit 'pag may bagong uso, papalitan. Ang pag-ibig, hindi parang pagkain 'pag pinagsawaan, pamimigay nalang. Ang pag-ibig, hindi parang pusa 'pag maingay, ililigaw nalang"

Kailan mo malalaman kung siya na ang taong para sa'yo? Malalaman mo kung siya yung taong pahahalagan ka at igagalang hindi lang ikaw kundi pati na ang pamilya mo. Yung taong hinding hindi magsasawa kahit palagi ka niyang nakikita. Yung taong kayang lunukin ang pride para lang sa'yo. Yung tipong kapag nalayo sa'yo, gagawa ng paraan makita o kahit makausap ka man lang. Yung taong magpaparamdam sa'yo na maganda ang buhay. Yung taong mas lalo kang namimis at minamahal kahit wala ka. At yung taong kayang suklian kahit sobra pa ang pagmamahal na kaya mong ibigay.

Mapagparaya, mapag-unawa, mapagtiis ang pag-ibig, at napatunayan ko yon.

***

Hindi naman siguro masama kung magdemand ako ng kahit kaunting oras galing sa boyfriend ko. Pero bakit ganon? Nagalit siya ng sabihin ko sa kanyang gusto ko siyang makasama kahit sa lunch break lang. Masyado daw siyang abala sa OJT niya at nakakaistorbo na daw ako. Nagulat naman ako at natakot ng sinabi na yon. Mahal ko ang boyfriend ko at mag tatatlong taon na kami. Ilang buwan na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nasasaktan ako kasi alam ko na hindi maganda ang kahahantungan nito. Nalalapit na ang 3rd Anniversary namin pero parang wala lang sa kanya. Ganito ba talaga kapag matagal na kayong magkasama? Nagkakasawaan na? Pero ako hinding hindi ako magsasawa sa kanya. Martir na kung martir. Mahal ko nga siya diba? Mahirap bang intindihin yon?

"Alam mo Jane, sumosobra na yang Aldren na yan eh! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na iwanan mo na yan! Pinaglalaruan ka lang niyan eh! Hindi mo ba nakikita?"
"Hindi naman siya ganon Jake. Busy lang siya kaya wala siyang panahon para sa akin."
"Ikaw na ang may sabi. Wala siyang panahon para sayo. Ano na? Hahayaan mo na lang bang ganon na lang?"
"Busy nga siya diba. Hayaan mo na."
"Sira na talaga yang ulo mo eh. Palagi niya na lang dinadahilan yan. Paano kung may--"
"Tama na nga! Tama na please! Pinapasakit mo lang ang ulo ko eh."
"Bahala ka. Makaalis na nga."
"Hoy! Jake! 'San pupunta?"
"Uuwi na. Wala kang kwentang kausap."

Galit na tuloy ang bestfriend ko. Hindi ko rin naman siya masisisi. Nag-aalala lang siya para sa akin. Alam ko yon dahil matagal-tagal na rin kaming magkaibigan. Pero hindi ko kayang isipin na may iba na si Aldren. Hindi niya magagawa sa akin yon. Magtatatlong taon na nga kami ngayon pa siya magloloko. Pero aminin ko man o hindi, nakahanda na 'ko kung totoo man yon. Ang pinaghahandaan ko na lang ay kung gaano ka tagal ko planong umiyak kapag nangyari yon.

***

Hindi nagtagal nasanay rin akong hindi kasama si Aldren. Nang malaman kong totoo talagang may iba na siyang girlfriend ang sakit sakit pala. Sobrang sakit na parang gusto ko nang magpahinga sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Na parang gusto kong matulog at huwag ng magising pa. Ilang araw rin akong umiyak at nagmukmok. Naubos ko yata ang luha ko sa kakaiyak sa wala namang ka kwenta kwentang bagay. Pero bakit ganon? Pilit kong sinisiksik sa utak ko na walang kwenta kung iiyakan ko pa ang taong wala namang kwenta para paglaanan pa ng pagmamahal at luha. Sa mga araw na iyon ng buhay ko ang mga kaibigan ko na lang ang kasama ko. Ang bestfriend ko. Ang sakit sakit na parang pilitin ko mang maging masaya, hindi ko kaya.

Ilang araw ang lumipas parang nagsawa na rin siguro ako sa kakaiyak. Pero kahit anong gawin ko hindi ko mapigilan ang pagluha. Yung mga panahon na yon na hindi ko na mawari kung galit ba o panghihinayang ang nararamdaman ko kaya ako napapaiyak. Ang bestfriend ko. Si Jake. Siya na lang ang natitirang kaibigan ko na kayang tiisin ang mga oras na titigan akong umiiyak. Siya nalang ang taong nasa tabi ko kapag kailangan ko ng kausap. Nahihiya na tuloy ako kasi sa dinami dami ng pwedeng pag-usapan wala akong ibang bukam bibig kundi si Aldren. Si Aldred. At si Aldren. Nakakainis. pero mahal ko pa rin siya.

"Tama na yan Jane. Sinasayang mo lang ang bakasyon mo."

Paulit ulit niyang sinasabi sa akin ngunit pa ulit ulit ko rin namang hindi sinasagot. Gusto ko lang umiyak hanggang sa wala na akong luhang maiiyak.

***

To be continued...